T21: Ano ang bilang ng mga haligi ng ṣalāh?

S: Ito ay 14 haligi, ayon sa sumusunod:

1. Ang pagtindig sa tungkuling ṣalāh sa nakakakaya;

2. Ang takbīratul'iḥrām (panimulang takbīr) at ito ay ang pagsabi ng Allāhu akbar;

3. Ang pagbigkas ng Al-Fātiḥah;

4. Ang rukū' (pagyukod): iuunat niya ang likod niya nang tuwid at ilalagay ang ulo niya nang kanibel ng likod niya;

5. Ang pag-angat mula sa rukū';

6. Ang pagtindig nang tuwid;

7. Ang sujūd (pagpapatirapa) at ang paglapag ng noo at ilong, mga palad, mga tuhod, at mga dulo ng mga daliri ng mga paa mula sa lugar ng pagpapatirapa;

8. Ang pag-angat mula sa sujūd;

9. Ang pagkakaupo sa pagitan ng dalawang pagpapatirapa,

na ang sunnah ay na maupo sa upong muftarish: nakaupo sa kaliwang paa at nakatukod ang kanang paa habang naghaharap nito sa qiblah;

10. Ang kapanatagan at ito ay ang katiwasayan sa haliging panggawain;

11. Ang huling tashahhud;

12. Ang pag-upo para sa tashahhud;

13. Ang dalawang taslīm at ito ay ang pagsabi nang dalawang beses ng "assalāmu `alaykum wa-raḥmatu –llāh";

14. Ang pagkakasunud-sunod ng mga haligi – gaya ng nabanggit natin – kaya kung sakaling nagpatirapa siya bago ng pagyukod niya, halimbawa, mawawalang-saysay ang ṣalāh kung sinadya iyon at kakailanganin ang bumalik upang yumukod pagkatapos magpapatirapa siya kung nakalimot.