T20: Ano ang mga kundisyon ng ṣalāh?

S: 1. Ang pagkaanib sa Islām, kaya hindi natutumpak ito mula sa isang tagatangging-sumampalataya sa Islām.

2. Ang pagkakaroon ng isip, kaya hindi natutumpak ito mula sa isang baliw.

3. Ang pagkakaroon ng kamalayan, kaya hindi natutumpak ito mula sa isang bata na walang malay.

4. Ang layunin.

5. Ang pagpasok ng oras ng ṣalāh.

6. Ang pagkakaroon ng ṭahārah dahil sa pagkaalis ng ḥadath.

7. Ang pagkadalisay mula sa najāsah.

8. Ang pagtatakip ng `awrah.

9. Ang pagharap sa qiblah.