T18: Ano ang hatol sa pag-iwan ng ṣalāh?

S: Ang pag-iwan ng ṣalāh ay isang kufr (kawalang-pananampalataya). Nagsabi ang Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga):

"Ang kasunduan na nasa pagitan natin at nila ay ang ṣalāh, kaya ang sinumang umiwan nito ay tumanggi ngang sumampalataya."

Nagsalaysay nito sina Imām Aḥmad at Imām At-Timidhīy, at iba pa sa kanilang dalawa.