T15: Ano ang nakasisira sa pagkapahid sa ibabaw ng khuff?

S: 1. Ang pagkawakas ng yugto [ng bisa] ng pagpapahid kaya naman hindi pinapayagan ang pagpahid [na muli] sa khuff matapos ng pagkawakas ng yugto [ng bisa] ng pagpapahid na itinakda ayon sa Sharī`ah, na isang araw at isang gabi para sa residente at tatlong araw at mga gabi ng mga ito para sa naglalakbay.

2. Ang pagkahubad ng khuff kaya naman kapag inalis ng tao ang khuff o ang isa sa dalawang bahagi nito matapos ng pagpahid sa paa, mawawalang-bisa ang pagkapahid sa mga ito.