T1: Maipapakahulugan mo ba ang ṭahārah (kadalisayan)?

S: Ang ṭahārah (kadalisayan) ay ang pag-alis ng ḥadath at ang paglaho ng karumihan.

Ang ṭahārah sa karumihan ay ang pagpawi ng Muslim ng napunta na najāsah (karumihan) sa katawan niya o sa kasuutan niya sa puwesto o lugar na pagdarasalan niya.

Ang ṭahārah sa ḥadath ay ang sa pamamagitan ng pagsasagawa ng wuḍū' o ghusl sa pamamagitan ng tubig na naipandadalisay o ng tayammum para sa sinumang nawalan ng tubig o naging imposible sa kanya ang gumamit nito.