S: Ang kahulugan nito ay na si Allāh ay nagsugo sa kanya sa mga nilalang bilang mapagbalita ng nakagagalak at bilang mapagbabala
at kinakailangan:
1. ang pagtalima sa kanya sa ipinag-utos niya;
2. ang Paniniwala sa kanya sa ipinabatid niya;
3. ang hindi pagsuway sa kanya;
4. na hindi sambahin si Allāh maliban ayon sa isinabatas, na pagsunod sa sunnah at pag-iwan sa bid`ah.
Nagsabi si Allāh: {Ang sinumang tumatalima sa Sugo ay tumalima nga kay Allāh.} (Qur'ān 4:80) Nagsabi pa siya (kaluwalhatian sa Kanya): {Hindi siya bumibigkas ayon sa pithaya. Walang iba ito kundi isang kasi na ikinakasi sa kanya.} (Qur'ān 53:3-4) Nagsabi pa Siya (kamahal-mahalan Siya at kataas-taasan): {Talaga ngang nagkaroon para sa inyo sa Sugo ni Allāh ng isang magandang huwaran para sa sinumang naging nag-aasam kay Allāh at sa Huling Araw at nag-alaala kay Allāh nang madalas. } (Qur'ān 33:21)