T41: Ano ang kinakailangan sa pag-uutos ng nakabubuti at pagsaway sa nakasasama?

S: Ang nakabubuti ay ang pag-uutos ng bawat pagtalima kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) at ang nakasasama ay ang pagsaway sa bawat pagsuway kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan).

Nagsabi si Allāh: {Kayo ay pinakamabuting kalipunang pinalabas para sa mga tao. Nag-uutos kayo ng nakabubuti, sumasaway kayo ng nakasasama, at sumasampalataya kayo kay Allāh.} (Qur'ān 3:110)