T33: Maipaliliwanag mo ba ang mga pangalang ito?

S: Ang pangalang Allāh ay nangangahulugang ang sinasamba ayon sa katapatan – tanging Siya: walang katambal para sa Kanya.

Ang pangalang Ar-Rabb (ang Panginoon) ay ang Tagalikha, ang Tagapagmay-ari, ang Tagapagtustos – tanging Siya: kaluwalhatian sa Kanya.

Ang pangalang As-Samī` (ang Madinigin) ay ang nakasakop ang pandinig Niya sa bawat bagay at nakaririnig sa lahat ng mga tunog sa kabila ng pagkakaiba-iba ng mga ito at pagkauri-uri ng mga ito.

Ang pangalang Al-Baṣīr (ang Nakakikita) ay ang nakatitingin sa bawat bagay at nakakikita sa bawat bagay malaki man o maliit.

Ang pangalang Al-`Alīm (ang Maalam) at ang nakatatalos ang kaalaman Niya sa bawat bagay sa nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap.

Ang pangalang Ar-Raḥmān (ang Napakamaawain) ay ang nakasakop ang awa Niya sa bawat nilikha at buhay kaya ang lahat ng mga tao at mga nilikha ay nasa ilalim ng awa Niya.

Ang pangalang Ar-Razzāq (ang Palatustos) ay ang kinasalalayan ng panustos ng lahat ng mga nilikha kabilang sa tao at jinn at lahat ng mga hayop.

Ang pangalang Al-Ḥayy (ang Buhay) ay ang hindi namamatay samantalang ang lahat ng nilikha ay namamatay.

Ang pangalang Al-`Aḍ̆īm (ang Sukdulan) ay ang nagtataglay ng kaganapan sa kabuuan nito at kasukdulan sa kabuuan nito sa mga pangalan Niya, mga katangian Niya, at mga gawain Niya.