S:
1. Ang Malaking Pagpapaimbabaw. Ito ay ang pagkukubli ng kawalang-pananampalataya at ang pagpapakita ng pananampalataya.
Nakapagpapalabas ito mula sa Islām. Ito ay kabilang sa Malaking Kawalang-pananampalataya.
Nagsabi si Allāh: {Tunay na ang mga mapagpaimbabaw ay nasa pinakamababang palapag ng Apoy. Hindi ka makatatagpo para sa kanila ng isang mapag-adya,} (Qur'ān 4:145)
2. Ang Maliit na Pagpapaimbabaw.
Halimbawa: ang pagsisinungaling, ang pagsira sa pangako, at ang pagtataksil sa ipinagkatiwala.
Hindi ito nakapagpapalabas mula sa Islām. Ito ay kabilang sa mga pagkakasala at ang nakagagawa nito ay masasalang sa pagdurusa [sa Impiyerno].
Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang tanda ng mapagpaimbabaw ay tatlo. Kapag nagsalita siya, nagsisinungaling siya. Kapag nangako siya, sumisira siya. Kapag pinagkatiwalaan siya, nagtataksil siya." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim.