T21: Ang kawalang-pananampalataya ay sa pagsasabi, paggawa, at paniniwala. Makapaghahalimbawa ka ba niyon?

Ang halimbawa ng pagsasabi ay ang pag-aalipusta kay Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) o sa Sugo Niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).

Ang halimbawa ng paggawa ay ang paghamak sa Qur'ān o pagpapatirapa sa iba pa kay Allāh (napakataas Siya).

Ang halimbawa ng paniniwala ay ang paniniwala na mayroong naging karapat-dapat sa pagsamba na iba pa kay Allāh (napakataas Siya) o na mayroong tagalikha kasama kay Allāh (napakataas Siya).