T19: Mababanggit mo ba ang paniniwala sa walā' (pagtangkilik) at barā' (pagpapawalang-kaugnayan)?

S: Ang walā' (pagtangkilik) ay ang pag-ibig sa mga mananampalataya at ang pag-aadya sa kanila.

Nagsabi si Allāh: {Ang mga lalaking mananampalataya at ang mga babaing mananampalataya ay mga katangkilik ng isa't isa sa kanila.} (Qur'ān 9:71)

Ang barā' (pagpapawalang-kaugnayan) ay ang pagkasuklam sa mga tagatangging-sumampalataya at ang pagkalaban sa kanila.

Nagsabi si Allāh: {Nagkaroon nga para sa inyo ng isang magandang huwaran sa kay Abraham at sa mga kasama sa kanya noong nagsabi sila sa mga kababayan nila: "Tunay na kami ay mga walang-kaugnayan sa inyo at sa sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh; tumanggi kami sa inyo at lumantad na sa pagitan namin at ninyo ang poot at ang suklam magpakailanman hanggang sa sumampalataya kayo kay Allāh lamang,"} (Qur'ān 60:4)