S: Ang pananampalataya kay Allāh (napakataas Siya) ay:
§ na sumampalataya ka na si Allāh ay ang lumikha sa iyo at nagtustos sa iyon at Siya ay ang Tagapagmay-ari at ang Tagapangasiwa – tanging Siya;
§ na Siya ay ang sinasamba, na walang sinasambang ayon sa karapatan bukod sa Kanya;
§ na Siya ay ang Sukdulan, ang Dakila, ang Ganap, na ukol sa Kanya ang papuri sa kabuuan nito at ukol sa Kanya ang mga pangalang pinakamagaganda at ang mga katangiang pinakamatataas, na walang ukol sa Kanya na kaagaw at walang nakawawangis sa Kanya na anuman (kaluwalhatian sa Kanya).
Ang pananampalataya sa mga anghel ay:
[ang paniniwala na] ang mga ito ay mga nilikha na nilikha ni Allāh mula sa isang liwanag at para sa pagsamba sa Kanya at lubos ng pagpapaakay sa utos Niya.
* Kabilang sa kanila si Anghel Gabriel (sumakanya ang pangangalaga) na nagbababa ng kasi sa mga propeta.
Ang pananampalataya sa mga kasulatan ay:
[ang paniniwala na] ang mga ito ay ang mga kasulatan na pinababa ni Allāh sa mga sugo Niya
gaya ng Qur'ān kay Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan),
ng Ebanghelyo kay Jesus (pangalagaan siya ni Allāh),
ng Torah kay Moises (pangalagaan siya ni Allāh),
ng Salmo kay David (pangalagaan siya ni Allāh),
ng mga Kalatas nina Abraham at Moises kina Abraham at Moises.
Ang pananampalataya sa mga sugo ay:
[ang paniniwala na] ang mga ito ay mga isinugo ni Allāh sa mga lingkod Niya upang magturo sa kanila, magbalita ng nakagagalak sa kanila hinggil sa kabutihan at Paraiso, at magbabala sa kanila tungkol sa kasamaan at Impiyerno.
Ang pinakamainam sa kanila at ang mga may pagtitika ay sina:
Noe (sumakanya ang pangangalaga),
Abraham (sumakanya ang pangangalaga),
Moises (sumakanya ang pangangalaga),
Jesus (sumakanya ang pangangalaga),
Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Ang pananampalataya sa Huling Araw ay:
[ang paniniwala sa] anumang mangyayari matapos ng kamatayan sa libingan, Araw ng Pagbangon, at Araw ng Pagbuhay at Pagtutuos kung kailan manunuluyan ang mga maninirahan sa Paraiso sa mga tahanan nila at ang mga maninirahan sa Impiyerno sa mga tahanan nila.
Ang pananampalataya sa pagtatakda: sa kabutihan nito at kasamaan nito ay:
[ang paniniwala sa] pagtatakda: ang maniwala na si Allāh ay nakaaalam sa bawat bagay na magaganap sa Sansinukob at na Siya ay nagtala niyon sa Tablerong Pinag-iingatan at lumuob ng pag-iral nito at paglikha nito.
Nagsabi si Allāh: {Tunay na Kami sa bawat bagay ay lumikha ayon sa isang takda.} (Qur'ān 54:49)
Ito ay ayon sa apat na antas:
Una. Ang Kaalaman ni Allāh. Kabilang doon ang kaalaman Niyang nakauna sa bawat bagay bago ng pagkaganap ng lahat ng mga bagay at matapos ng pagkaganap ng mga ito.
Ang patunay nito ay ang sabi ni Allāh: {Tunay na si Allāh ay may taglay ng kaalaman sa Huling Sandali. Nagbababa Siya ng ulan at nakaaalam Siya sa anumang nasa mga sinapupunan. Hindi nababatid ng isang kaluluwa kung ano ang kakamtin niya kinabukasan at hindi nababatid ng isang kaluluwa kung sa aling lupain siya mamamatay. Tunay na si Allāh ay Maalam, Mapagbatid.} (Qur'ān 31:34)
Ikalawa. Ang Pagsulat. Si Allāh ay sumulat niyon sa Tablerong pinag-iingatan. Kaya naman ang bawat bagay na naganap at magaganap, ito ay nakatala sa ganang Kanya sa isang talaan.
Ang patunay nito ay ang sabi ni Allāh: {Taglay Niya ang mga susi ng nakalingid; walang nakaaalam sa mga iyon kundi Siya. Nalalaman Niya ang anumang nasa katihan at karagatan. Walang nalalaglag na anumang dahon malibang nalalaman Niya ito. Walang butil sa mga kadiliman ng lupa at walang mahalumigmig ni tuyot malibang nasa isang aklat na malinaw.} (Qur'ān 6:59)
Ikatlo. Ang Kalooban. Ang bawat bagay na nagaganap ay ayon sa kalooban ni Allāh at walang nagaganap na anuman mula sa Kanya o mula sa nilikha Niya kundi ayon sa kalooban Niya (napakataas Siya).
Ang patunay nito ay ang sabi ni Allāh: {para sa sinumang lumoob kabilang sa inyo na magpakatuwid, at hindi kayo magloloob maliban na lumuob si Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang.} (Qur'ān 81:28-29)
Ikaapat. Ang Paglikha. Ang pananampalataya na ang lahat ng mga nilalang ay nilikhang nilikha ni Allāh, na nilikha Niya ang mga katawan ng mga ito, ang mga katangian ng mga ito, ang mga kilos ng mga ito, at ang bawat bagay na nasa mga ito.
Ang patunay nito ay ang sabi ni Allāh: {samantalang si Allāh ay lumikha sa inyo at sa ginagawa ninyo?} (Qur'ān 37:96)