S: 1. Ang Tawḥīd Rubūbīyah (Kaisahan sa Pagkapanginoon). Ito ay ang pananampalataya na si Allāh ay ang Tagalikha, ang Tagapagtustos, ang Tagapagmay-ari, ang Tagapangasiwa – tanging Siya: walang katambal para sa Kanya.
2. Ang Tawḥīd Ulūhīyah (Kaisahan sa Pagkadiyos). Ito ay ang pagbubukod-tangi kay Allāh sa pagsamba kaya walang sinasambang isa man kundi si Allāh (napakataas Siya).
3. Ang Tawḥīd Asmā wa Ṣifāt (Kaisahan sa mga Pangalan at mga Katangian). Ito ay ang pananampalataya sa mga pangalan at mga katangian para kay Allāh (napakataas Siya), na nasasaad sa Qur'ān at Sunnah nang walang tamthīl (pagtutulad) ni tashbīh (pagwawangis) ni ta`ṭīl (pag-aalis ng kahulugan).
Ang patunay ng tatlong uri ng Tawḥīd ay ang sabi ni Allāh: {Ang Panginoon ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito, kaya sumamba ka sa Kanya at magpakamatiisin ka para sa pagsamba sa Kanya. Nakaaalam ka kaya para sa Kanya ng isang kapangalan?"} (Qur'ān 19:65)