Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang paghahalintulad sa umalaala sa Panginoon niya at hindi umalaala sa Panginoon niya ay ang paghahalintulad sa buhay at patay." Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy.
Ito ay dahil ang halaga ng buhay ng tao ay ayon sa sukat ng pag-alaala niya kay Allāh (napakataas Siya).
S: Alḥamdu lillāhi –lladhī kasānī hādha –ththawba wa-razaqanīhi min ghayri ḥawlim minnī wa lā qūwah. (Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagpasuot sa akin ng damit na ito at nagkaloob sa akin nito nang walang kapangyarihan mula sa akin at walang lakas.) Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at iba pa sa kanila.
Allāhumma laka –lḥamdu anta kasawtanīhi, as'aluka min khayrihi wa-khayri mā ṣuni`a lahu, wa-a`ūdhu bika min sharrihi wa sharri mā ṣuni`a lahu. (O Allāh, ukol sa Iyo ang papuri. Ikaw ay nagpasuot sa akin nito. Humihingi ako sa Iyo ng kabutihan nito at kabutihan ng kung para sa ano niyari ito. Nagpapakupkop ako sa Iyo laban sa kasamaan nito at kasamaan ng kung para sa ano niyari ito.) Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud at Imām At-Tirmidhīy.
S: Mananalangin ako ng basbas sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Nagsalaysay nito si Imām Muslim. Magsasabi ka ng: "Allāhumma rabba hādhihi –dda`wati –ttāmmati wa-ṣṣalāti –lqā'imah, āti muḥammadani –lwasīlata wa-lfaḍīlah, wa-b`athhu maqāmam maḥmūdani –lladhī wa`attahu. (O Allāh, Panginoon nitong ganap na panawagan at ng ṣalāh na isasagawa, ibigay Mo kay Muḥammad ang kaparaanan at ang kalamangan at ibangon Mo siya sa isang tatayuang pupurihin, na ipinangako Mo.)" Al-Bukhārīy.
Dadalangin ka sa pagitan ng adhān at iqāmah sapagkat tunay na ang panalangin dito ay hindi tinatanggihan.
S: 1. Bibigkas ako ng Āyatulkursīy (Qur'ān 2:255): "Allāhu lā ilāha illā huwa –lḥayyu –lqayyūm, lā ta'khudhuhū sinatuw wa-lā nawm, lahū mā fi –ssamāwāti wa-mā fi –l'arḍ; man dhā –lladhī yashfa`u `indahū illā bi'idhnih, ya`lamu mā bayna aydīhim wa-mā khalfahum: wa-lā yuḥīṭūna bi-shay'im min `ilmihī illā bimā shā', wasi‘a kursīyuhu –ssamāwāti wa-l'arḍ: wa-lā ya'ūduhū hifđuhumā, wa-huwa –l`alīyu –l`ađīm. (Si Allāh, walang Diyos kundi Siya, ang Buháy, ang Mapagpanatili. Walang nakatatangay sa Kanya na isang antok ni isang pagkatulog. Sa Kanya ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Sino itong mamamagitan sa piling Niya malibang ayon sa pahintulot Niya? Nakaaalam Siya sa anumang nasa harapan nila at anumang nasa likuran nila. Hindi sila nakapapaligid sa anuman mula sa kaalaman Niya malibang ayon sa niloob Niya. Sumakop ang silya Niya sa mga langit at lupa at hindi nakabibigat sa Kanya ang pangangalaga sa mga ito. Siya ay ang Mataas, ang Sukdulan.)" (Qur'ān 2:255) 2. Bibigkas ako ng: (Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain.) 1. Qul huwa –llāhu aḥad (Sabihin mo: "Siyang si Allāh ay Kaisa-isa.) 2. Allāhu –ṣṣamad (Si Allāh ay ang Dulugan [sa pangangailangan].) 3. Lam yalid wa-lam yūlad (Hindi Siya nagkaanak at hindi Siya ipinanganak.) 4. Wa-lam yakul lahū kufuwan aḥad (Hindi nagkaroon sa Kanya ng isang kapantay na isa man.")} nang tatlong beses; (Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain.) 1. (Sabihin mo: "Nagpapakupkop ako sa Panginoon ng bukang-liwayway) 2. (laban sa kasamaan ng anumang nilikha Niya) 3. (at laban sa kasamaan ng pusikit kapag lumaganap ito,) 4. (at laban sa kasamaan ng mga babaing [manggagaway na] palaihip sa mga buhol,) 5. (at laban sa kasamaan ng naiinggit kapag nainggit ito.")} nang tatlong beses; (Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain.) 1. (Sabihin mo: "Nagpapakupkop ako sa Panginoon ng mga tao,) 2. (na Hari ng mga tao,) 3. (na Diyos ng mga tao,) 4. (laban sa kasamaan ng tagapasaring na palaurong,) 5. (na nagpapasaring sa mga dibdib ng mga tao,) 6. (kabilang sa mga jinn at mga tao.)} nang tatlong beses; "Allāhumma anta rabbī, lā ilāha illā anta, khalaqtanī wa anā `abduka, wa-anā `alā `ahdika wa-wa`dika ma –staṭa`tu, a`ūdhu bika min sharri mā ṣana`tu, abū'u laka bi-ni`matika `alayya, wa-abū'u bi-dhambī, fa-ghfir lī fa-innahū lā yaghfiru –dhdhunūba illā ant. (O Allāh, Ikaw ay Panginoon ko. Walang Diyos kundi Ikaw. Nilikha Mo ako at ako ay alipin Mo. Ako ay nasa ilalim ng kasunduan sa Iyo at pangako sa Iyo hanggang sa abot ng makakaya ko. Nagpapakupkop ako sa Iyo laban sa masama sa nagawa ko. Kinikilala ko sa Iyo ang biyaya Mo sa akin. Kinikilala ko sa Iyo ang kasalanan ko kaya patawarin Mo ako sapagkat walang nagpapatawad sa mga pagkakasala kundi Ikaw.)" Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy.
S: Alḥamdu lillāhi –lladhī aṭ`amanī hādhā, wa-razaqanīhi min ghayri ḥawlim minnī wa-lā qūwah. (Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagpakain sa akin nito at nagtustos sa akin nito nang walang kapangyarihan mula sa akin at walang lakas.) Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām Ibnu Mājah, at iba pa sa kanilang dalawa.
S: Alḥamdu lillāh. (Ang papuri ay ukol kay Allāh.)
Magsabi naman sa kanya ang kapatid niya o ang kasamahan niya ng: "Yarḥamuka –llāh. (Kaawaan ka ni Allāh.)"
4. Kaya kapag nagsabi naman ito niyan sa kanya, magsabi naman siya ng: "Yahdīkumu –llāhu wa-yuṣlihu bālakum. (Patnubayan kayo ni Allāh at pabutihin Niya ang lagay ninyo.)" Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy.
S: "Subḥānaka –llāhumma wa-bi-ḥamdik, ashhadu an lā ilāha illā anta, astaghfiruka wa-atūbu ilayk (Kaluwalhatian sa Iyo, O Allāh, kalakip ng papuri sa Iyo. Sumasaksi ako na walang Diyos kundi Ikaw. Humihingi ako ng tawad sa Iyo at nagbabalik-loob ako sa Iyo.)" Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at iba pa sa kanilang dalawa.
S: "Bismi –llāh, alḥamdu lillāh. (Sa ngalan ni Allāh; ang papuri ay ukol kay Allāh.)" at "Subḥāna –lladhī sakhkhara lanā hādhā, wa-mā kunnā lahū muqrinīn, wa-innā ilā rabbinā la-munqalibūn. (Kaluwalhatian sa Kanya na nagpasunud-sunuran para sa atin nito at tayo rito ay hindi sana makakakaya. Tunay na kami sa Panginoon namin ay talagang magbabalik.)" Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud at Imām At-Tirmidhīy.
"Allāhu akbar, Allāhu akbar, Allāhu akbar; subḥāna –lladhī sakhkhara lanā hādhā, wamā kunnā lahū muqrinīn, wa-innā ilā rabbinā la-munqalibūn; Allāhumma innā nas'aluka fī safarinā hādha lbirra wa ttaqwā wa mina l`amali mā tarḍā; Allāhumma hawwin `alaynā safaranā hādhā, wa-ṭwi `annā bu`dah; Allāhumma anta –ṣṣāhibu fi –ssafar, wa-lkhalīfatu fi –l'ahli; Allāhumma innī a`ūdhu bika min wa`thā'i –ssafar, wa ka'ābati –lmanḍ̆ar, wa sū'i –lmunqalabi fi –lmāli wa-l'ahli. (Si Allāh ay pinakadakila, si Allāh ay pinakadakila, si Allāh ay pinakadakila. Kaluwalhatian sa Kanya na nagpasunud-sunuran para sa atin nito at tayo rito ay hindi sana makakakaya. Tunay na kami sa Panginoon namin ay talagang magbabalik. O Allāh, tunay na kami ay humihiling sa Iyo sa paglalakbay naming ito ng kabutihan, pangingilag sa pagkakasala, at gawang ikalulugod Mo. O Allāh, pagaanin Mo sa amin ang paglalakbay naming ito at paiksiin Mo para sa amin ang layo nito. O Allāh, Ikaw ang kasama sa paglalakbay at ang pinag-iwanan sa mag-anak. O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa hirap ng paglalakbay, laban sa panglaw ng tanawin, laban sa kasaklapan ng madadatnan sa ari-arian at mag-anak.)"
Kapag pauwi na, muling magsasabi ng mga panalanging ito at magdagdag ng sumusunod:
"Āyibūna, tā'ibūna, `ābidūna, li-rabbinā ḥāmidūn. ([Tayo ay] mga umuuwi, na mga nagbabalik-loob, na mga sumasamba, na sa Panginoon natin ay mga nagpupuri.) Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
Lā ilāha illa –llāhu waḥdahu lā sharīka lah, lahu –lmulku wa-lahu –lḥamd, yuhyī wa-yumīt, wa-huwa ḥayyun lā yamūt, bi-yadhi –lkhayr, wa-huwa `alā kulli shay'in qadīr. (Walang Diyos kundi si Allāh – tanging Siya: walang katambal para sa Kanya. Ukol sa Kanya ang paghahari at ukol sa Kanya ang papuri. Nagbibigay Siya ng buhay at bumabawi Siya ng buhay. Siya ay Buhay, hindi mamamatay. Nasa kamay Niya ang kabutihan. Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan.) Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy at Imām Ibnu Mājah.
S: Magsasabi ang Muslim ng: "Assalāmu `alaykum wa-raḥamatu –llāhi wa-barakātuh. (Ang kapayapaan ay sumainyo at ang awa ni Allāh at ang mga pagpapala Niya.)"
Tutugon naman sa kanya ang kapatid niya ng: "Wa-`alaykumu –ssalāmu wa-raḥamatu –llāhi wa-barakātuh. (At sumaiyo ang kapayapaan at ang awa ni Allāh at ang mga pagpapala Niya.)" Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy, Imām Abū Dāwud, at ang iba pa sa kanilang dalawa.
Alḥamdu lillāhi –lladhī `āfānī mimmā –btalāka bihi wa-faḍḍalanī `alā kathīrim mimman khalaqa tafḍīlā. (Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagligtas sa akin mula sa kasawiang dumapo sa iyo at nagtangi sa akin nang higit na pagtangi kaysa sa marami sa nilikha Niya.) Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy.
S: Nasaad sa ḥadīth: "Kapag nakakita ang isa sa inyo mula sa kapatid niya o mula sa sarili nito o mula sa yaman nito ng nagpapahanga sa kanya, dumalangin siya para rito ng pagpapala sapagkat tunay na ang usog ay totoo." Nagsalaysay nito sina Imām Aḥmad, Imām Ibnu Mājah, at iba pa sa kanilang dalawa.
S: Allāhumma ṣalli `alā Muḥammadin wa-`alā āli Muḥammad, kamā ṣallayta `alā Ibrāhīm wa-`alā āli Ibrāhīm, innaka ḥamīdum majīd. Allāhumma bārik `alā Muḥammadin wa-`alā āli Muḥammad, kamā bārakta `alā Ibrāhīm wa-`alā āli Ibrāhīm, innaka ḥamīdum majīd. (O Allāh, pagpalain Mo si Muḥammad at ang mag-anak ni Muḥammad gaya ng pagpapala Mo kay Ibrāhīm at sa mag-anak ni Ibrāhīm; tunay na Ikaw ay Kapuri-puri, Maringal. O Allāh, biyayaan Mo si Muḥammad at ang mag-anak ni Muḥammad gaya ng pagbiyaya Mo kay Ibrāhīm at sa mag-anak ni Ibrāhīm; tunay na Ikaw ay Kapuri-puri, Maringal.) Napagkaisahan ang katumpakan.