Sangay ng mga Magagandang Kaasalang Islāmiko

S: 1. Ang pagdakila sa Kanya (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya);

2. Ang pagsamba sa kanya – tanging sa Kanya: walang katambal para sa Kanya;

3. Ang pagtalima sa Kanya;

4. Ang pagtigil sa pagsuway sa Kanya;

5. Ang pagpapasalamat sa Kanya, ang pagpupuri sa Kanya sa kabutihang-loob Niya at mga biyaya Niya na hindi maisa-isa;

6. Ang pagtitiis sa mga pagtatakda Niya.

S: 1. Ang pagsunod sa kanya at ang pagtulad sa kanya;

2. Ang pagtalima sa kanya;

3. Ang pagtigil sa pagsuway sa kanya;

4. Ang paniniwala sa kanya sa anumang ipinabatid niya;

5. Ang hindi paggawa ng bid`ah sa pagdaragdag sa sunnah niya;

6. Ang pag-ibig sa kanya higit kaysa sa sarili at kaysa sa lahat ng mga tao;

7. Ang pagdakila sa kanya, ang pag-adya sa kanya, at ang pag-adya sa Sunnah niya.

S: 1. Ang pagtalima sa mga magulang sa hindi pagsuway [kay Allāh];

2. Ang paglilingkod sa mga magulang;

3. Ang pag-alalay sa mga magulang;

4. Ang pagtugon sa mga pangangailangan ng magulang;

5. Ang pagdalangin para sa mga magulang;

6. Ang pagmamagandang-asal sa kanila sa salita kaya naman hindi pinapayagan kahit ang pagsabi ng "pwe" at ay pinakamaliit sa mga salita;

7. Ang pagngiti sa harap ng mga magulang at hindi ako sisimangot;

8. Hindi ako magtaas ng tinig ko higit sa tinig ng mga magulang, makikinig ako sa kanila, hindi ako sasabat sa kanila sa pagsasalita, at hindi ako tatawag sa kanila sa pangalan nila, bagkus sasabihin kong "Ama ko" o "Ina ko".

9. Magpapaalam ako bago pumasok sa ama ko at ina ko habang sila ay nasa silid;

10. Ang paghalik sa kamay at ulo ng mga magulang;

1. Ang pagdalaw sa mga kamag-anak gaya ng lalaking kapatid, babaing kapatid, tiyuhin sa ama, tiyahin sa ama, tiyuhin sa ina, tiyahin sa ina, at nalalabi sa mga kamag-anak;

2. Ang paggawa ng maganda sa kanila sa salita at gawa at ang pag-alalay sa kanila;

3. Kabilang dito ang pakikipagtalastasan sa kanila at ang pagtatanong tungkol sa mga kalagayan nila.

S: 1. Iibig ako at makikisama ako sa mga mabuti.

2. Iiwas ako at titigil ako sa pakikisama sa mga masama.

3. Babati ako sa mga kapatid ko at makikipagkamay ako sa kanila.

4. Dadalaw ako sa kanila kapag nagkasakit sila at dadalangin ako para sa kanila ng paggaling.

5. Mananalangin ako na kaawaan ni Allāh ang bumahin.

6. Tutugon ako sa paanyaya niya kapag nag-anyaya siya sa akin na dumalaw sa kanya.

7. Maghahain ako sa kanya ng payo.

8. Mag-aadya ako sa kanya kapag nilabag siya sa katarungan at pipigil ako sa kanya laban sa kawalang-katarungan.

9. Iibigin ko para sa kapatid kong Muslim ang iniibig ko para sa sarili ko.

10. Aalalay ako sa kanya kapag nangailangan siya ng pag-alalay ko.

11. Hindi ako magpapalasap sa kanya ng isang pananakit sa salita o gawa.

12. Pag-iingatan ko ang lihim niya.

13. Hindi ako manlalait sa kanya at hindi ako manlilibak sa kanya o manghahamak sa kanya o maiinggit sa kanya at hindi ako maniniktik sa kanya o mandaraya sa kanya.

1. Makikitungo ako ng maganda sa kapitbahay sa salita at gawa at aalalay ako sa kanya kapag nangailangan siya ng pag-alalay ko.

2. Babati ako sa kanya kapag natuwa siya dahil sa `īd o kasal o iba pa sa mga ito.

3. Dadalaw ako sa kanya kapag nagkasakit siya at makikiramay ako sa kanya kapag dinapuan siya ng kasawian.

4. Magkakaloob ako sa kanya ng ginagawa kong pagkain sa abot ng makakaya ko.

5. Hindi ako magdudulot sa kanya ng pananakit sa salita o gawa.

6. Hindi ako mambubulabog sa kanya sa pamamagitan ng isang mataas na tinig o maniniktik sa kanya at titiisin ko siya.

S: 1. Tutugon ako sa sinumang nag-anyaya sa akin para maging panauhin.

2. Kapag nagnais akong dumalaw sa isang tao, hihiling ako ng pahintulot at tipanan.

3. Magpapaalam ako bago pumasok.

4. Hindi ako mananatili nang matagal sa pagdalaw.

5. Magbababa ako ng paningin sa mga tao ng bahay [na dinadalaw].

6. Tatanggap ako ng panauhin at sasalubong ako sa kanya sa pinakamagandang pagsalubong nang may pagkamasayahin ng mukha at pinakamaganda sa mga pahayag ng pagtanggap.

7. Magpapaupo ako sa panauhin sa pinakamagandang lugar.

8. Magpaparangal ako sa kanya sa pamamagitan ng magiliw na pagkakaloob ng pagkain at inumin.

S: 1. Kapag nakadama ako ng isang pananakit, maglalagay ako ng kanang kamay ko sa kinalalagyan ng pananakit at magsasabi ako ng: "Bismi –llāh (sa ngalan ni Allāh)" nang tatlong beses at magsasabi ako ng: "A`ūdhu bi-`izzati –llāhi wa-qudratihi min sharri mā ajidu wa-uḥādhir (Nagpapakupkop ako sa kapangyarihan ni Allāh at kakayahan Niya laban sa kasamaan ng natatagpuan ko at pinangingilagan ko" nang pitong beses.

2. Malulugod ako sa anumang itinakda ni Allāh at magtitiis ako.

3. Magmamabilis ako sa pagdalaw sa kapatid kong maysakit, dadalangin ako para sa kanya, at hindi ako magpapatagal ng pananatili sa piling niya.

4. Magsasagawa ako ng ruqyah sa kanya nang hindi humihiling nito mula sa akin.

5. Magtatagubilin ako sa kanya ng pagtitiis, pagdalangin, pagdarasal, at kadalisayan sa abot ng makakaya niya.

6. Ang panalangin para sa maysakit: "As'alu ­llāha –­l`aḍ̆īma rabba –l`arshi -­l`aḍ̆īmi an yashfiyak (Humihiling ako kay Allāh, ang Sukdulan, ang Panginoon ng tronong sukdulan, na magpagaling Siya sa iyo.)" (Pitong beses.)

S: 1. Ang pagpapakawagas ng layunin para kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan).

2. Gagawa ako ayon sa kaalaman na natutuhan ko.

3. Igagalang ko ang tagapagturo at magpipitagan ako sa kanya sa kapag nariyan siya at kapag wala siya.

4. Uupo ako sa harapan niya nang may etiketa.

5. Pakikinggan ko siya nang maigi at hindi ko siya puputulin sa aralin niya.

6. Magmamagandang-asal ako sa paglalahad ng tanong.

7. Hindi ko siya tatawagin sa pangalan niya.

S: 1. Babati ako sa mga tao sa pagtitipon.

2. Uupo ako sa kung saan maghahatid sa akin ang pagtitipon: hindi ako magpapatayo ng isang tao mula sa kinauupuan niya at hindi ako uupo sa pagitan ng dalawang tao malibang may pahintulot nilang dalawa.

3. Magbibigay-puwang ako sa pagtitipon upang makaupo ang iba pa sa akin.

4. Hindi ko puputulin ang pag-uusap sa pagtitipon.

5. Magpapaalam ako at babati ako bago lumisan mula sa pagtitipon.

6. Kapag nagwakas ang pagtitipon, mananalangin ako ng panalangin ng panakip-sala sa pagtitipon: "Subḥānaka –llāhumma wa-bi-ḥamdik, ashhadu an lā ilāha illā anta, astaghfiruka wa-atūbu ilayk (Kaluwalhatian sa Iyo, O Allāh, kalakip ng papuri sa Iyo. Sumasaksi ako na walang Diyos kundi Ikaw. Humihingi ako ng tawad sa Iyo at nagbabalik-loob ako sa Iyo.)"

S: 1. Matutulog ako nang maaga.

2. Matutulog ako nang may ṭahārah.

3. Hindi ako matutulog nang nakadapa.

4. Matutulog ako sa kanang tagiliran ko at maglalagay ako ng kanang kamay ko sa ilalim ng kanang pisngi ko.

5. Magpapagpag ako ng higaan ko.

6. Bibigkas ako ng mga dhikr ng pagtulog gaya ng Āyatulkursīy (Qur'ān 2:255) at ng Sūrah Al-Ikhlāṣ (Qur'ān 112), Sūrah Al-Falaq (Qur'ān 113), at Sūrah An-Nās (Qur'ān 114) nang tigtatatlong beses. Magsasabi ako: "Bi-smika –llāhumma, amūtu wa-aḥyā. (Sa ngalan Mo, O Allāh, mamamatay ako at mabubuhay ako.)"

7. Magigising ako para sa ṣalāh na fajr.

8. Matapos magising sa pagkatulog, magsasabi ako: "Alḥamdu lillāhi –lladhī aḥyānā ba`da mā amātanā wa ilayhi –nnushūr. (Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagbigay-buhay sa atin matapos nagbigay-kamatayan sa atin at tungo sa Kanya ang pagkabuhay.)"

S:

1. Maglalayon ako sa pagkain ko at pag-inom ko ng pangingilag magkasala sa pagtalima kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan).

2. Ang paghuhugas ng mga kamay bago kumain.

3. Magsasabi ako ng: "Bismi –llāh (sa ngalan ni Allāh)", kakain ako sa pamamagitan ng kanang kamay ko at mula sa malapit sa akin, at hindi ako kakain mula sa gitna ng bandehado o mula sa harapan ng iba pa sa akin.

4. Kapag nakalimutan kong magsabi ng basmalah [sa simula], magsasabi ako ng: "Bismi –llāhi awwalahu wa-ākhirah (sa ngalan ni Allāh sa simula nito at sa katapusan nito)."

5. Malulugod ako sa nakahaing pagkain at hindi ako mamimintas ng pagkain: kung nagustuhan ko ito, kakainin ko ito; at kung hindi ko nagustuhan ito, hahayaan ko ito.

6. Kakain ako ng ilang munting subo at hindi ako kakain ng marami.

7. Hindi ako iihip sa pagkain o inumin at hahayaan ko ito hanggang sa lumamig [nang bahagya].

8. Sasalo ako sa iba pa sa akin sa pagkain kasama ng mag-anak o panauhin.

9. Hindi ako magsisimula sa pagkain bago ng iba pa sa akin na higit na matanda kaysa sa akin.

10. Sasambit ako ng pangalan ni Allāh kapag iinom ako at iinom ako nang nakaupo at sa tatlong lagok.

11. Magpupuri ako kay Allāh kapag natapos ako sa pagkain.

S: 1. Magsisimula ako sa pagsusuot ng damit ko sa kanan at magpupuri ako kay Allāh dahil doon.

2. Hindi ako magpapahaba ng damit nang lampas sa mga bukungbukong.

3. Hindi magsusuot ang mga lalaki ng kasuutan ng mga babae at hindi magsusuot ang mga babae ng kasuutan ng mga lalaki.

4. Ang hindi pagpapakawangis sa kasuutan ng mga tagatangging-sumampalataya o mga suwail.

4. Ang pagsambit ng basmalah sa paghuhubad ng mga kasuutan.

5. Ang pagsusuot ng sapatos sa kanan muna at ang paghuhubad nito mula sa kaliwa muna.

S: 1. Magsasabi ako ng: "Bismi –llāh, alḥamdu lillāh (Sa ngalan ni Allāh; ang papuri ay ukol kay Allāh)" at "Subḥāna ­–lladhī sakhkhara lanā hādhā, wa-mā kunnā lahū muqrinīn. (Kaluwalhatian sa Kanya na nagpasunud-sunuran para sa atin nito at tayo rito ay hindi sana makakakaya.), wa-innā ilā rabbinā la-munqalibūn (Tunay na kami sa Panginoon namin ay talagang magbabalik.)" (Qur'ān 43:13-14)

2. Kapag naparaan ako sa isang Muslim, magbibigay ako sa kanya ng pagbati.

S: 1. Magpapakakatamtaman ako at magpapakumbaba ako sa paglalakad ko at maglalakad ako sa kanang bahagi ng daan.

2. Magbibigay ako ng pagbati sa sinumang masasalubong ko.

3. Magbababa ako ng paningin ko at hindi ako mananakit sa isa man.

4. Mag-uutos ako ng nakabubuti at sasaway ako sa nakasasama.

5. Mag-aalis ako sa daan ng nakasasakit.

S: 1. Lalabas ako sa pamamagitan ng kaliwang paa ko at magsasabi ako ng: "Bismi –llāh, tawakkaltu `ala –llāh; lā ḥawla wa-lā qūwata illā bi-llāh; Allāhumma innī a`udhu bika an aḍilla aw uḍalla aw azilla aw uzalla aw aḍ̆lima aw uḍ̆lama aw ajhala aw yujhala `alayya. (Sa ngalan ni Allāh, sumampalataya ako kay Allāh. Walang kapangyarihan at walang lakas kundi si pamamagitan ni Allāh. O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo upang huwag akong maligaw o mailigaw ako, o matisod ako o maitisod ako, o mang-api ako o maapi ako, o makagawa ako ng kamangmangan o magawa ang kamangmangan sa akin.)" 2. Papasok ako sa bahay sa pamamagitan ng kanang paa ko at magsasabi ako ng: "Bismi –llāhi walajnā wa bismi –llāhi kharajnā wa `alā rabbinā tawakkalnā. (Sa ngalan ni Allāh, pumasok tayo; sa ngalan ni Allāh, lumabas tayo; at sa Panginoon natin, nanalig tayo.)"

3. Magsisimula ako sa paggamit ng siwāk, pagkatapos babati ako sa mga tao ng bahay.

S: 1. Papasok ako sa pamamagitan ng kaliwang paa ko.

2. Bago pumasok, magsasabi ako ng: "Bismi –llāh, Allāhumma innī a`ūdhu bika mina –lkhubthi wa –lkhabā'ith. (Sa ngalan ni Allāh; O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa mga lalaking demonyo at mga babaing demonyo.)"

3. Hindi ako magpapasok [sa palikuran] ng isang bagay na may pagbanggit ng pangalan ni Allāh.

4. Magtatakip ako sa sandali ng pagtugon sa tawag ng kalikasan.

5. Hindi ako magsasalita sa lugar ng pagtugon sa tawag ng kalikasan?

6. Hindi ako haharap sa qiblah at hindi ako tatalikod doon sa sandali ng pag-ihi o pagdumi.

7. Gagamit ako ng kaliwang kamay ko sa pag-aalis ng najāsah at hindi ako gagamit ng kanang kamay.

8. Hindi ako tutugon sa tawag ng kalikasan ko sa daan ng mga tao o sa sinisilungan nila.

9. Maghuhugas ako ng mga kamay ko matapos ng pagtugon sa tawag ng kalikasan.

10. Lalabas ako sa pamamagitan ng kaliwang paa ko at magsasabi ako ng: "Ghufrānak. ([Humihingi ako ng] kapatawaran Mo.)"

S: 1. Papasok ako sa masjid sa pamamagitan ng kanang paa ko at magsasabi ako ng: "Allāhumma –­ftaḥ lī abwāba raḥmatik. (O Allāh, magbukas Ka para sa akin ng mga pintuan ng awa Mo)."

2. Hindi ako uupo hanggang sa makapagdasal ako ng dalawang rak`ah.

3. Hindi ako dadaan sa harap ng mga nagdarasal o maghahanap ng nawawala sa masjid o magtitinda o bibili sa masjid.

5. Lalabas ako mula sa masjid sa pamamagitan ng kaliwang paa ko at magsasabi ako ng: "Allāhumma innī as'aluka min faḍlik. (O Allāh, tunay na ako ay humihingi sa Iyo mula sa kabutihang-loob Mo.)"

S: Kapag may nakasalubong akong isang Muslim, magsisimula ako ng pagbati sa pamamagitan ng pagsabi ng: "Assalāmu `alaykum wa-raḥamatu –llāhi wa-barakātuh. (Ang kapayapaan ay sumainyo at ang awa ni Allāh at ang mga pagpapala Niya.)" hindi sa pamamagitan ng walang pagbati at hindi ako magsesenyas ng mga kamay ko lamang.

2. Ngingiti ako sa harap ng sinumang binati ko.

3. Makikikapagkamay ako sa pamamagitan ng kanang kamay ko.

4. Kapag may isang bumati sa akin ng isang pagbati, babati ako sa kanya ng higit na maganda kaysa roon o tutugon ako ng tulad niyon.

5. Hindi ako magsisimula sa Kāfir ng pagbati ng salām at kapag bumati siya ay tutugon ako sa kanya ng tulad niyon.

6. Babati ang nakababata sa nakatatanda, ang nakasakay sa naglalakad, ang naglalakad sa nakaupo, at ang kaunti sa marami.

S: 1. Magpapaalam ako bago pumasok sa isang lugar.

2. Magpapaalam ako nang tatlong beses at matapos nito ay lilisan ako.

3. Kakatok ako sa pinto nang banayad at hindi ako tatayo nang nakaharap sa pintuan, bagkus sa kanan nito o kaliwa nito.

4. Bago makapagpaalam, hindi ako papasok sa silid na kinaroroonan ng ama ko at ina ko o ng sinuman, lalo na bago ng madaling-araw, sa sandali ng pag-idlip sa tanghali, at matapos ng ṣalāh na `ishā'.

5. Maaaring pumasok ako sa mga lugar na hindi tinitirahan tulad ng ospital o tindahan nang walang pagpapaalam.

S: Pakakainin ko ang hayop at paiinumin ko ito.

2. Ang pagkaawa at ang pagkahabag sa hayop at ang hindi pagpapasan dito ng hindi nito nakakaya.

3. Hindi ako magdudulot ng pagdurusa sa hayop sa pamamagitan ng alinmang uri ng pagdurusa at pananakit.

S: 1. Maglalayon ako sa palakasan ng pangingilag magkasala alang-alang sa pagtalima kay Allāh at kaluguran Niya.

2. Hindi kami maglalaro sa oras ng ṣalāh.

3. Hindi magsasagawa ang mga lalaki ng palakasan sa mga babae.

4. Magsusuot ako ng kasuutang pampalakasan na nakatatakip sa `awrah ko.

5. Iiwas ako sa palakasang ipinagbabawal gaya ng may panununtok sa mukha at paglalantad ng mga `awrah.

S: 1. Ang pagsasabi ng totoo sa pagbibiro at ang hindi pagsisinungaling.

2. Ang pagbibirong walang halong panunuya, pangungutya, pananakit, at paninindak.

3. Ang hindi magparami ng pagbibiro.

S: 1. Ang pagtatakip ng kamay o panyo o tissue sa sandali ng pagbahin.

2. Na magpuri ka kay Allāh matapos ng pagbahin sa pamamagitan ng pagsabi ng: "Alḥamdu lillāh (Ang papuri ay ukol kay Allāh.)"

3. Magsabi naman sa kanya ang kapatid niya o ang kasamahan niya ng: "Yarḥamuka –llāh. (Kaawaan ka ni Allāh.)"

4. Kaya kapag nagsabi naman ito niyan sa kanya, magsabi naman siya ng: "Yahdīkumu –llāhu wa-yuṣlihu bālakum. (Patnubayan kayo ni Allāh at pabutihin Niya ang lagay ninyo.)"

S: 1. Ang pagtatangka ng pagpigil ng paghikab.

2. Ang hindi pagtataas ng tinig sa pamamagitan ng pagsabi ng: "Ah. Ah."

3. Ang pagtatakip ng kamay sa bibig.

S: 1. Ang pagbigkas ng Marangal na Qur'ān habang may ṭahārah matapos magsagawa ng wuḍū'.

2. Ang pag-upo nang may etiketa at pagpipitagan.

3. Ang pagdalangin ng pagkupkop ni Allāh laban sa demonyo sa simula ng pagbigkas ng Marangal na Qur'ān.

4. Ang pagmumuni-muni sa pagbabasa ng Marangal na Qur'ān.