Sangay ng Ḥadīth

S: Ayon sa Pinuno ng mga Mananampalataya na si Abū Ḥafṣ `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Narinig ko ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at ang mag-anak niya at pangalagaan) na nagsasabi: "Ang mga gawain ay ayon sa mga layunin lamang. Ukol sa bawat tao ang nilayon niya lamang. Kaya ang sinumang ang paglikas niya ay tungo kay Allāh at sa Sugo Niya, ang paglikas niya ay tungo kay Allāh at sa Sugo Niya. Ang sinumang ang paglikas niya ay para sa kamunduhan na tatamuhin niya o sa isang babaing pakakasalan niya, ang paglikas niya ay tungo sa inilikas niya."} Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim.

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth:

1. Ang bawat gawa ay kailangan nito ng isang layunin, gaya ng ṣalāh, pag-aayuno, ḥajj, at iba pa sa mga ito na mga gawain.

2. Kailangan ng pagpapakawagas sa layunin kay Allāh (napakataas Siya).

* Ang Ikalawang Ḥadīth:

S: Ayon sa Ina ng mga Mananampalataya na si Umm `Abdillāh `A'ishah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagpauso kaugnay sa nauukol sa aming ito ng hindi bahagi nito, ito ay tatanggihan."} Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim.

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth:

1. Ang pagsaway laban sa paggawa ng bid`ah sa Relihiyon.

2. Ang mga gawang batay sa bid`ah ay tinatanggihan at hindi tinatanggap.

* Ang Ikatlong Ḥadīth:

S: Ayon kay `Umar (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Samantalang kami ay nakaupo sa tabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), pagkaraka may sumulpot sa amin na isang lalaking matindi ang kaputian ng mga kasuutan, na matindi ang kaitiman ng buhok, na hindi nakikita rito ang bakas ng paglalakbay, na walang nakakikilala rito na isa man sa amin. Naupo ito sa harap ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), saka nagsandal ito ng mga tuhod nito sa mga tuhod niya, at naglagay ito ng mga kamay nito sa ibabaw ng mga hita nito. Nagsabi ito: "O Muḥammad, magpabatid ka sa akin tungkol sa Islām." Nagsabi siya: "Na sumaksi ka na walang ibang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh, magpanatili ka ng ṣalāh, magbigay ka ng zakāh, mag-ayuno ka sa Ramaḍān, at magsagawa ka ng ḥajj sa Bahay [ni Allāh] kung nakaya mo [na magkaroon] papunta roon ng isang daan." Nagsabi ito: "Nagsabi ka ng totoo." Kaya nagulat kami rito; nagtatanong ito sa kanya at nagpapatotoo ito sa kanya. Nagsabi ito: "Magpabatid ka sa akin tungkol sa Īmān." Nagsabi siya: "Na sumampalataya ka kay Allāh, sa mga anghel Niya, sa mga kasulatan Niya, sa mga sugo Niya, sa Huling Araw, at sa pagtatakda: sa mabuti nito at masama nito." Nagsabi ito: "Magpabatid ka sa akin tungkol sa Iḥsān." Nagsabi siya: "Na sumamba ka kay Allāh na para bang ikaw ay nakakikita sa Kanya ngunit kung hindi ka man nakakikita sa Kanya, tunay na Siya ay nakakikita sa iyo." Nagsabi ito: "Magpabatid ka sa akin tungkol sa Huling Sandali?" Nagsabi siya: "Ang tinatanong tungkol dito ay hindi higit na nakaaalam kaysa sa nagtatanong." Nagsabi ito: "Kaya magpabatid ka sa akin tungkol sa mga palatandaan nito." Nagsabi siya: "Na manganganak ang babaing alipin ng amo niya, at na makakikita ka ng mga nakayapak, na mga nakahubad, na mga naghihikahos, na mga pastol ng mga tupa, na nagpapataasan sa pagpapatayo [ng mga gusali]." Nagsabi [si `Umar]: "Pagkatapos lumisan ito at nanatili naman kami nang saglit." Nagsabi [ang Sugo]: "O `Umar, nakaaalam ba kayo sa nagtatanong?" Nagsabi kami: "Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na nakaaalam." Nagsabi siya: "Iyon ay si Gabriel; pumunta siya sa inyo upang magturo sa inyo ng relihiyon ninyo."} Nagsalaysay nito si Imām Muslim.

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth:

A. Ang Pagbanggit sa Limang Haligi ng Islām (Pagpapasakop)

1. Ang pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh;

2. Ang pagpapanatili ng ṣalāh (pagdarasal);

3. Ang pagbibigay ng zakāh;

4. Ang pag-ayuno sa Ramaḍān;

5. Ang pagsasagawa ng ḥajj sa Pinakababanal na Bahay ni Allāh.

B. Ang Pagbanggit sa Anim na Haligi ng Īmān (Pananampalataya)

1. Ang pananampalataya kay Allāh;

2. Sa mga anghel Niya;

3. Sa mga kasulatan Niya;

4. Sa mga sugo Niya;

5. Sa Huling Araw;

6. Sa pagtatakda: sa kabutihan nito at kasamaan nito.

C. Ang pagbanggit sa haligi ng Iḥsān (Paggawa ng Maganda). Ito ay nag-iisang haligi. Ito ay na sumamba ka kay Allāh na para bang ikaw ay nakakikita sa Kanya; ngunit kung hindi mo man siya nakikita, tunay na Siya ay nakakikita sa Iyo.

D. Ang oras ng pagsapit ng Huling Sandali ay walang nakaaalam kundi si Allāh (napakataas Siya).

* Ang Ikaapat na Ḥadīth:

S: Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang pinakaganap sa mga mananampalataya sa pananampalataya ay ang pinakamaganda sa kanila sa kaasalan."} Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy at nagsabi siya na isang magandang ḥadīth ito.

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth:

1. Ang paghimok sa kagandahan ng kaasalan.

2. Ang kalubusan ng kaasalan ay bahagi ng kalubusan ng pananampalataya.

3. Ang pananampalataya ay nadaragdagan at nababawasan.

* Ang Ikalimang Ḥadīth:

S: Ayon kay Ibnu `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang sinumang nanumpa sa iba pa kay Allāh ay tumanggi ngang sumampalataya o nagtambal nga [kay Allāh]."} Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy.

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth:

1. Hindi pinapayagan ang panunumpa kundi kay Allāh (napakataas Siya).

2. Ang panunumpa sa iba pa kay Allāh (napakataas Siya) ay kabilang sa Maliit na Shirk.

* Ang Ikaanim na Ḥadīth:

S: Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi sumasampalataya ang isa sa inyo hanggang sa ako ay maging higit na iniibig sa kanya kaysa sa anak niya, magulang niya, at mga tao sa kalahatan."} Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim.

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth:

1. Kinakailangan ang pag-ibig sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) nang higit kaysa sa lahat ng mga tao.

2. Iyon ay bahagi ng kalubusan ng pananampalataya.

* Ang Ikapitong Ḥadīth:

S: Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi sumasampalataya ang isa sa inyo hanggang sa ibigin niya para sa kapatid niya ang iniibig niya para sa sarili niya."} Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim.

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth:

1. Kailangan sa mananampalataya na umibig para sa mga mananampalataya ng kabutihan gaya ng pag-ibig niya nito para sa sarili niya.

2. Iyon ay bahagi ng kalubusan ng pananampalataya.

* Ang Ikawalong Ḥadīth:

S: Ayon kay Abū Sa`īd (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Sugo ni Allāh na nagsabi: "Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, tunay na ito ay talagang nakatutumbas sa ikatlong bahagi ng Qur'ān."} Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy.

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth:

1. Ang kainaman ng Sūrah Al-Ikhlāṣ.

2. Ito ay nakatutumbas sa ikatlong bahagi ng Qur'ān.

* Ang Ikasiyam na Ḥadīth:

S: Ayon kay Abū Mūsā (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "[Ang pagsambit ng] Lā ḥawla wa-lā qūwata illā bi-llāh (Walang kapangyarihan at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allāh) ay kabilang sa mga tagong yaman ng Paraiso."} Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim.

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth:

1. Ang kainaman ng pangungusap na ito at ito ay isang tagong yaman kabilang sa mga tagong yaman ng Paraiso.

2. Ang pagwawalang-kaugnayan ng tao sa kapangyarihan niya at lakas niya at ang pagsandal niya kay Allāh (napakataas Siya) lamang.

* Ang Ikasampung Ḥadīth:

S: Ayon kay An-Nu`mān bin Bashīr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Pansinin at tunay na sa katawan ay may isang laman na kapag umayos ay umaayos ang katawan sa kabuuan nito at kapag tumiwali ay tumitiwali ang katawan sa kabuuan nito. Pansinin at ito ay ang puso."} Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim.

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth:

1. Ang kaayusan ng puso ay nakabatay rito ang kaayusan ng panlabas at panloob.

2. Ang pagpapahalaga sa kaayusan ng puso dahil sa pamamagitan nito ang kaayusan ng tao.

* Ang Ikalabing-isang Ḥadīth:

S: Ayon kay Mu`ādh bin Jabal (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang ang huli sa pananalita niya mula sa Mundo ay Lā ilāha illa ­llāh (Walang Diyos kundi si Allāh), papasok siya sa Paraiso."} Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud.

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth:

1. Ang kainaman ng pangungusap na: "Lā ilāha illa ­llāh (Walang Diyos kundi si Allāh)" at ang tao ay papasok dahil dito sa Paraiso.

2. Ang kainaman ng sinumang ang huli sa pananalita niya mula sa Mundo ay ang pangungusap na: Lā ilāha illa ­llāh (Walang Diyos kundi si Allāh) ay papasok sa Paraiso.

* Ang Ikalabindalawang Ḥadīth:

S: Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang mananampalataya ay hindi ang palapanirang-puri, ni ang palasumpa, ni ang mahalay, ni ang bastos."} Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy.

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth:

1. Ang pagsaway laban sa bawat pananalitang walang-kabuluhan at pangit.

2. Iyon ay katangian ng mananampalataya sa dila niya.

* Ang Ikalabintatlong Ḥadīth:

S: Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Bahagi ng kagandahan ng pagkaanib sa Islām ng tao ang pag-iwan niya ng hindi pumapatungkol sa kanya."} Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy at ang iba pa sa kanya.

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth:

1. Ang pag-iwan ng hindi nauukol sa tao kabilang sa mga nauukol sa buhay panrelihiyon ng iba pa sa kanya at buhay pangmundo nito.

2. Ang pag-iwan sa hindi pumapatungkol sa sarili ay bahagi ng kalubusan ng pagkakaanib niya sa Islām.

* Ang Ikalabing-apat na Ḥadīth:

S: Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang bumigkas ng isang titik mula sa Aklat ni Allāh ay magkakaroon siya ng isang gawang maganda. Ang gawang maganda ay [may gantimpalang] katumbas sa sampung tulad nito. Hindi ko sinasabing ang alif lām mīm ay isang titik, bagkus ang alif ay isang titik, ang lām ay isang titik at ang mīm ay isang titik."} Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy.

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth:

1. Ang kainaman ng pagbigkas ng Qur'ān.

2. Sa bawat titik na bibigkasin mo ay may mga magandang gawa para sa iyo dahil doon.