Sangay ng Talambuhay ng Propeta

S: Siya ay si Muḥammad na anak ni Abdullāh na anak ni Abdulmuṭṭalib na anak ni Hāshim. Si Hāshim ay kabilang sa [liping] Quraysh. Ang Quraysh ay kabilang sa mga Arabe. Ang mga Arabe ay kabilang sa mga inapo ni Ismael. Si Ismael ay anak ni Abraham, sumakanya at sa Propeta natin ang pinakamainam na basbas at pangangalaga.

S: Āminah bint Wahb.

S: Pinapanaw ang ama niya sa Madīnah habang siya ay isang dinadalang-taong hindi pa ipinanganak (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).

S: Sa Taon ng Elepante, sa araw ng Lunes ng buwan ng Rabī`ul'awwal.

S: Sa Makkah.

S: - Ang babaing alipin ng ama niya, si Umm Ayman.

- Ang babaing alipin ng tiyuhin niyang si Abū Lahab, si Thuwaybah;

- Si Ḥalīmah As-Sa`dīyah.

S: Pinapanaw ang ina niya noong siya ay anim na taong gulang at inaruga siya ng lolo niyang si `Abdulmuṭṭalib.

S: Pinapanaw ang lolo niyang si `Abdulmuṭṭalib noong siya ay walong taong gulang at inaruga siya ng tiyuhin niyang si Abū Ṭālib.

S: Naglakbay siya kasama ng tiyuhin patungo sa Sirya noong ang edad niya ay sampung taon,.

S: Ang ikalawang paglalakbay niya ay sa pangangalakal ng yaman ni Khadījah (malugod si Allāh sa kanya) at noong bumalik siya ay pinakasalan niya ito noong siya ay may edad na 25 taon.

S: Muling ipinatayo ng Liping Quraysh ang Ka`bah noong siya ay may edad na 35 taon.

Nagpahatol sila sa kanya noong nagkaiba-iba sila sa kung sino ang maglalagay ng batong itim. Inilagay niya ito sa isang tela at inutusan niya ang bawat angkan na humawak sa gilid ng tela. Sila noon ay apat na angkan. Noong naiangat nila ang batong itim sa lagayan nito, inilagay niya ito sa pamamagitan ng kamay niya (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga).

S: Ang edad niya noon ay 40 taon. Ipinadala siya sa mga tao sa kalahatan mapagbalita ng nakagagalak at bilang mapagbabala.

S: Ang panaginip na nagkakatotoo sapagkat siya noon ay hindi nakapapanaginip ng isang panaginip malibang nangyayari ang mga ito tulad ng pagbukang-liwayway ng madaling-araw.

S: Siya noon ay sumasamba kay Allāh sa yungib ng Ḥirā' at nagbabaon siya para roon.

Bumaba sa kanya ang pagkakasi habang siya ay nasa yungib samantalang sumasamba.

S: Ang Sabi ni Allāh: {1. Bumasa ka sa ngalan ng Panginoon mo na lumikha, 2. lumikha sa tao mula sa isang malalinta. 3. Bumasa ka at ang Panginoon mo ay ang Pinakamapagbigay, 4. na nagturo sa pamamagitan ng panulat, 5. nagturo sa tao ng hindi nito nalaman.} (Qur'ān 96:1-5)

S: Mula sa mga lalaki ay si Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq, mula sa mga babae ay si Khadījah bint Khuwaylid, mula sa mga bata ay si `Alīy bin Abī Ṭālib, mula sa mga alila ay si Zayd bin Ḥārithah, at mula sa mga alipin ay si Bilāl Al-Ḥabashīy – malugod si Allāh sa kanila at sa iba pa sa kanila.

S: Ang pag-aanyaya noon ay palihim sa loob ng mga tatlong taon. Pagkatapos nag-utos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng paghahayag ng pag-aanyaya.

S: Nagpalabis-labis ang mga tagapagtambal sa pananakit sa kanya at pananakit sa mga Muslim hanggang sa nagpahintulot siya sa mga mananampalataya ng paglikas kay Negus sa Etyopiya.

Nagkaisa ang mga kampon ng Shirk sa pananakit at pagpatay sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ngunit nagsanggalang sa kanya si Allāh at ipinaligid sa kanya ang tiyuhin niyang si Abū Ṭālib upang magsanggalang sa kanya laban sa kanila.

S: Pinapanaw ang tiyuhin niyang si Abū Ṭālib at ang maybahay niyang si Khadījah – malugod si Allāh sa kanya.

S: Nangyari ito ika-50 taon ng edad niya at isinatungkulin sa kanya ang limang pagdarasal.

Ang Isrā' ay mula sa Masjid na Pinakababanal patungo sa Masjid na Pinakamalayo.

Ang Mi`rāj ay mula sa Masjid na Pinakamalayo hanggang sa Sidrah ng Pinagwawakasan.

S: Siya noon ay nag-aanyaya sa mga mamamayan ng Ṭā'if at nag-aalok ng sarili niya sa mga panahon ng pagtitinda at mga pagtitipon ng mga tao hanggang sa dumating ang mga mamamayan ng Madīnah na mga tagaadya saka sumampalataya sila sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at nangako sila ng katapatan sa kanya sa pag-aadya sa kanya.

S: Nanatili siya ng 13 taon.

S: Mula sa Makkah lumikas siya sa Madīnah.

S: Sampung taon.

S: Isinatungkulin sa kanya ang zakāh, ang pag-aayuno, ang ḥajj, ang jihād (pakikibaka), ang adhān, at ang iba pa sa mga ito kabilang sa mga batas ng Islām.

S: Ang malaking labanan sa Badr;

Ang labanan sa Uḥud;

Ang laban ng mga lapian;

Ang labanan sa pagsakop sa Makkah.

S: Ang Sabi ni Allāh: {Mangilag kayo sa Araw na pababalikin kayo roon tungo kay Allāh. Pagkatapos lulubus-lubusin ang bawat kaluluwa sa [kabayaran ng] anumang nakamit nito at sila ay hindi lalabagin sa katarungan.} (Qur'ān 2:281)

S: Pinapanaw siya sa buwan ng Rabbī`ul'awwal ng ika-11 ng Hijrah. Siya ay may edad na 63 taon.

S: 1. Khadījah bint Khuwaylid (malugod si Allāh sa kanya);

2. Sawdah bint Zam`ah (malugod si Allāh sa kanya);

3. `Ā'ishah bint Abī Bakr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa);

4. Ḥafṣah bint `Umar (malugod si Allāh sa kanya);

5. Zaynab bint Khuzaymah (malugod si Allāh sa kanya);

6. Umm Salamah Hind bint Abī Umayyah (malugod si Allāh sa kanya);

7. Umm Ḥabībah bint Abī Sufyān (malugod si Allāh sa kanya);

8. Juwayrīyah bint Al-Ḥārith (malugod si Allāh sa kanya);

9. Maymūnah bint Al-Ḥārith (malugod si Allāh sa kanya);

10. Ṣafīyah bint Ḥuyayy (malugod si Allāh sa kanya);

11. Zaynab bint Jaḥsh (malugod si Allāh a kanya);

S: Sa mga lalaki ay tatlo:

Al-Qāsim, na batay rito ang kunyah niya;

`Abdullāh;

Ibrāhīm.

Sa mga babae:

Fāṭimah;

Ruqayyah;

Ummu Kulthūm;

Zaynab.

Ang lahat ng mga anak niya ay mula kay Khadījah (malugod si Allāh sa kanya) maliban kay Ibrāhīm. Lahat sila ay namatay bago niya maliban kay Fāṭimah na namatay anim na buwan matapos niya.

S: Siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay katamtaman sa mga lalaki: hindi pandak at hindi matangkad; bagkus nasa pagitan niyon. Siya ay maputing nahahaluan ng pamumula (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga). Siya ay makapal ang balbas, malapad ang mga mata, malaki ang bibig. Ang buhok niya ay matindi ang kaitiman, malaki ang mga balikat, mabango ang amoy. May iba pa roon na marikit na pisikal na katangian niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).

Iniwan niya ang Kalipunan niya sa malinaw na katwiran, na ang gabi nito ay gaya ng maghapon nito. Walang naliliko palayo rito malibang mapahahamak. Hindi siya nagwalang-bahala ng isang mabuti maliban gumabay siya sa Kalipunan tungo roon ni ng isang kasamaan malibang nagbigay-babala siya laban doon.