Sangay ng Aqīdah

S: Ang Panginoon ko ay si Allāh na nag-aruga sa akin at nag-aruga sa lahat ng mga nilalang sa pamamagitan ng biyaya Niya.

Ang patunay ay ang sabi ni Allāh: {2. Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang,} (Qur'ān 1:2)

S: Ang Relihiyon ko ay ang Islām. Ito ay ang pagsuko kay Allāh sa pamamagitan ng Tawḥīd, ang pagpapaakay sa Kanya sa pamamagitan ng pagtalima, at ang kawalang-kaugnayan sa Shirk at sa mga alagad ng Shirk.

Nagsabi si Allāh: {Tunay na ang relihiyon sa ganang kay Allāh ay ang Islām.} (Qur'ān 3:19)

S: Si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).

Nagsabi si Allāh: {Si Muḥammad, ang Sugo ni Allāh...) (Qur'ān 48:29)

S: Ang Pangungusap ng Tawḥīd ay [ang pagsabi ng] Walang Diyos kundi si Allāh. Ang kahulugan nito ay walang sinasambang totoo kundi si Allāh.

Nagsabi si Allāh: {Kaya alamin mo na walang Diyos kundi si Allāh} (Qur'ān 47:19)

S: Si Allāh ay nasa langit sa ibabaw ng Trono, sa ibabaw ng lahat ng mga nilikha. Nagsabi Siya: {Ang Napakamaawain ay sa trono lumuklok.} (Qur'ān 20:5) Nagsabi pa Siya: {Siya ay ang Tagagapi sa ibabaw ng mga lingkod Niya at Siya ay ang Marunong, ang Mapagbatid.} (Qur'ān 6:18)

S: Ang kahulugan nito ay na si Allāh ay nagsugo sa kanya sa mga nilalang bilang mapagbalita ng nakagagalak at bilang mapagbabala

at kinakailangan:

1. ang pagtalima sa kanya sa ipinag-utos niya;

2. ang Paniniwala sa kanya sa ipinabatid niya;

3. ang hindi pagsuway sa kanya;

4. na hindi sambahin si Allāh maliban ayon sa isinabatas, na pagsunod sa sunnah at pag-iwan sa bid`ah.

Nagsabi si Allāh: {Ang sinumang tumatalima sa Sugo ay tumalima nga kay Allāh.} (Qur'ān 4:80) Nagsabi pa siya (kaluwalhatian sa Kanya): {Hindi siya bumibigkas ayon sa pithaya. Walang iba ito kundi isang kasi na ikinakasi sa kanya.} (Qur'ān 53:3-4) Nagsabi pa Siya (kamahal-mahalan Siya at kataas-taasan): {Talaga ngang nagkaroon para sa inyo sa Sugo ni Allāh ng isang magandang huwaran para sa sinumang naging nag-aasam kay Allāh at sa Huling Araw at nag-alaala kay Allāh nang madalas. } (Qur'ān 33:21)

S: Nilikha tayo para sa pagsamba sa kanya – tanging sa Kanya: walang katambal para sa Kanya,

hindi para sa paglilibang at hindi para sa paglalaro.

Nagsabi si Allāh: {Hindi Ako lumikha ng jinn at tao kundi upang sumamba sila sa Akin.} (Qur'ān 51:56)

S: Isang pangngalang tagatipon ng bawat naiibigan ni Allāh at kinalulugdan niya mula sa mga sinasabi at mga ginagawang lantaran at pakubli.

Ang lantaran ay ang tulad ng pagbanggit kay Allāh sa pamamagitan ng dila gaya ng tasbīḥ (pagsambit ng subḥāna –llāh), taḥmīd (pagsambit ng alḥamdu lillāh), at takbīr (pagsambit ng Allāhu akbar), at ng pagsasagawa ng ṣalāh at ḥajj.

Ang pakubli ay tulad ng pananalig, pangamba, at pag-aasam [sa Kanya].

S: Ang pinakamabigat na tungkulin sa atin ay ang Tawḥīd (Paniniwala sa Kaisahan ni Allāh).

S: 1. Ang Tawḥīd Rubūbīyah (Kaisahan sa Pagkapanginoon). Ito ay ang pananampalataya na si Allāh ay ang Tagalikha, ang Tagapagtustos, ang Tagapagmay-ari, ang Tagapangasiwa – tanging Siya: walang katambal para sa Kanya.

2. Ang Tawḥīd Ulūhīyah (Kaisahan sa Pagkadiyos). Ito ay ang pagbubukod-tangi kay Allāh sa pagsamba kaya walang sinasambang isa man kundi si Allāh (napakataas Siya).

3. Ang Tawḥīd Asmā wa Ṣifāt (Kaisahan sa mga Pangalan at mga Katangian). Ito ay ang pananampalataya sa mga pangalan at mga katangian para kay Allāh (napakataas Siya), na nasasaad sa Qur'ān at Sunnah nang walang tamthīl (pagtutulad) ni tashbīh (pagwawangis) ni ta`ṭīl (pag-aalis ng kahulugan).

Ang patunay ng tatlong uri ng Tawḥīd ay ang sabi ni Allāh: {Ang Panginoon ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito, kaya sumamba ka sa Kanya at magpakamatiisin ka para sa pagsamba sa Kanya. Nakaaalam ka kaya para sa Kanya ng isang kapangalan?"} (Qur'ān 19:65)

S: Ang Shirk (pagtatambal) kay Allāh (napakataas Siya).

Nagsabi Siya (napakataas Siya): {Tunay na si Allāh ay hindi magpapatawad na tambalan Siya, at magpapatawad naman Siya sa anumang mababa pa roon sa sinumang loloobin Niya. Ang sinumang nagtatambal kay Allāh ay gumawa-gawa nga ng isang kasalanang sukdulan.} (Qur'ān 4:48)

S: Ang Shirk ay ang pagbaling ng alinmang uri kabilang sa mga uri ng pagsamba sa iba pa kay Allāh (napakataas Siya).

Ang mga uri nito ay:

Shirk Akbar (Malaking Shirk), na tulad ng pagdalangin sa iba pa kay Allāh (napakataas Siya) o pagpapatirapa sa iba pa sa Kanya (kaluwalhatian sa Kanya) o pagkakatay para sa iba pa kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan).

Shirk Aṣghar (Maliit na Shirk), na tulad ng panunumpa [ng tao] sa iba pa kay Allāh (napakataas Siya) o pagsusuot niya ng mga agimat, na anumang isinasabit na mga bagay pinaniniwalaang para sa pagtamo ng pakinabang at pagtulak ng pinsala, at kaunting pagpapakitang-tao gaya ng pagpapaganda niya ng pagdarasal dahil sa nakikita niya na pagtingin ng mga tao sa kanya.

S: Walang nakaaalam sa Ghayb kundi si Allāh – tanging Siya.

Nagsabi Siya (napakataas Siya): {Sabihin mo: "Hindi nalalaman ng sinumang nasa mga langit at lupa ang nakalingid maliban kay Allāh, at hindi nila nararamdaman kung kailan sila bubuhayin."} (Qur'ān 27:65)

S: 1. Ang pananampalataya kay Allāh (napakataas Siya),

2. sa mga anghel Niya,

3. sa mga kasulatan Niya,

4. sa mga sugo Niya,

5. sa Huling Araw,

6. at sa pagtatakda: sa kabutihan nito at kasamaan nito.

Ang patunay ay ang tumanyag na ḥadīth ni Anghel Gabriel ayon kay Imām Muslim: {Nagsabi si Anghel Gabriel sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kaya magpabatid ka sa akin tungkol sa pananampalataya." Nagsabi siya: "Na sumampalataya ka kay Allāh, sa mga anghel Niya, sa mga kasulatan Niya, sa mga sugo Niya, sa Huling Araw, at sumampalataya ka sa pagtatakda: sa kabutihan nito at kasamaan nito."}

S: Ang pananampalataya kay Allāh (napakataas Siya) ay:

§ na sumampalataya ka na si Allāh ay ang lumikha sa iyo at nagtustos sa iyon at Siya ay ang Tagapagmay-ari at ang Tagapangasiwa – tanging Siya;

§ na Siya ay ang sinasamba, na walang sinasambang ayon sa karapatan bukod sa Kanya;

§ na Siya ay ang Sukdulan, ang Dakila, ang Ganap, na ukol sa Kanya ang papuri sa kabuuan nito at ukol sa Kanya ang mga pangalang pinakamagaganda at ang mga katangiang pinakamatataas, na walang ukol sa Kanya na kaagaw at walang nakawawangis sa Kanya na anuman (kaluwalhatian sa Kanya).

Ang pananampalataya sa mga anghel ay:

[ang paniniwala na] ang mga ito ay mga nilikha na nilikha ni Allāh mula sa isang liwanag at para sa pagsamba sa Kanya at lubos ng pagpapaakay sa utos Niya.

* Kabilang sa kanila si Anghel Gabriel (sumakanya ang pangangalaga) na nagbababa ng kasi sa mga propeta.

Ang pananampalataya sa mga kasulatan ay:

[ang paniniwala na] ang mga ito ay ang mga kasulatan na pinababa ni Allāh sa mga sugo Niya

gaya ng Qur'ān kay Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan),

ng Ebanghelyo kay Jesus (pangalagaan siya ni Allāh),

ng Torah kay Moises (pangalagaan siya ni Allāh),

ng Salmo kay David (pangalagaan siya ni Allāh),

ng mga Kalatas nina Abraham at Moises kina Abraham at Moises.

Ang pananampalataya sa mga sugo ay:

[ang paniniwala na] ang mga ito ay mga isinugo ni Allāh sa mga lingkod Niya upang magturo sa kanila, magbalita ng nakagagalak sa kanila hinggil sa kabutihan at Paraiso, at magbabala sa kanila tungkol sa kasamaan at Impiyerno.

Ang pinakamainam sa kanila at ang mga may pagtitika ay sina:

Noe (sumakanya ang pangangalaga),

Abraham (sumakanya ang pangangalaga),

Moises (sumakanya ang pangangalaga),

Jesus (sumakanya ang pangangalaga),

Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).

Ang pananampalataya sa Huling Araw ay:

[ang paniniwala sa] anumang mangyayari matapos ng kamatayan sa libingan, Araw ng Pagbangon, at Araw ng Pagbuhay at Pagtutuos kung kailan manunuluyan ang mga maninirahan sa Paraiso sa mga tahanan nila at ang mga maninirahan sa Impiyerno sa mga tahanan nila.

Ang pananampalataya sa pagtatakda: sa kabutihan nito at kasamaan nito ay:

[ang paniniwala sa] pagtatakda: ang maniwala na si Allāh ay nakaaalam sa bawat bagay na magaganap sa Sansinukob at na Siya ay nagtala niyon sa Tablerong Pinag-iingatan at lumuob ng pag-iral nito at paglikha nito.

Nagsabi si Allāh: {Tunay na Kami sa bawat bagay ay lumikha ayon sa isang takda.} (Qur'ān 54:49)

Ito ay ayon sa apat na antas:

Una. Ang Kaalaman ni Allāh. Kabilang doon ang kaalaman Niyang nakauna sa bawat bagay bago ng pagkaganap ng lahat ng mga bagay at matapos ng pagkaganap ng mga ito.

Ang patunay nito ay ang sabi ni Allāh: {Tunay na si Allāh ay may taglay ng kaalaman sa Huling Sandali. Nagbababa Siya ng ulan at nakaaalam Siya sa anumang nasa mga sinapupunan. Hindi nababatid ng isang kaluluwa kung ano ang kakamtin niya kinabukasan at hindi nababatid ng isang kaluluwa kung sa aling lupain siya mamamatay. Tunay na si Allāh ay Maalam, Mapagbatid.} (Qur'ān 31:34)

Ikalawa. Ang Pagsulat. Si Allāh ay sumulat niyon sa Tablerong pinag-iingatan. Kaya naman ang bawat bagay na naganap at magaganap, ito ay nakatala sa ganang Kanya sa isang talaan.

Ang patunay nito ay ang sabi ni Allāh: {Taglay Niya ang mga susi ng nakalingid; walang nakaaalam sa mga iyon kundi Siya. Nalalaman Niya ang anumang nasa katihan at karagatan. Walang nalalaglag na anumang dahon malibang nalalaman Niya ito. Walang butil sa mga kadiliman ng lupa at walang mahalumigmig ni tuyot malibang nasa isang aklat na malinaw.} (Qur'ān 6:59)

Ikatlo. Ang Kalooban. Ang bawat bagay na nagaganap ay ayon sa kalooban ni Allāh at walang nagaganap na anuman mula sa Kanya o mula sa nilikha Niya kundi ayon sa kalooban Niya (napakataas Siya).

Ang patunay nito ay ang sabi ni Allāh: {para sa sinumang lumoob kabilang sa inyo na magpakatuwid, at hindi kayo magloloob maliban na lumuob si Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang.} (Qur'ān 81:28-29)

Ikaapat. Ang Paglikha. Ang pananampalataya na ang lahat ng mga nilalang ay nilikhang nilikha ni Allāh, na nilikha Niya ang mga katawan ng mga ito, ang mga katangian ng mga ito, ang mga kilos ng mga ito, at ang bawat bagay na nasa mga ito.

Ang patunay nito ay ang sabi ni Allāh: {samantalang si Allāh ay lumikha sa inyo at sa ginagawa ninyo?} (Qur'ān 37:96)

S: Ito ay pananalita ni Allāh (napakataas Siya), na hindi isang nilikha.

Nagsabi si Allāh: {Kung may isa kabilang sa mga tagapagtambal na nagpakalinga sa iyo ay kalingain mo siya hanggang sa makarinig siya ng pananalita ni Allāh.} (Qur'ān 9:6)

S: Ito ay ang bawat sinabi o ginawa o sinang-ayunan o paglalarawang pangkaasalan o pampisikal ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).

S: Ang bawat pinauso ng mga tao sa Relihiyon, na hindi umiral sa panahon ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at mga Kasamahan niya.

Hindi tayo tumatanggap ng mga ito at tumatanggi tayo sa mga ito

batay sa sabi ng Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Ang bawat bid`ah ay kaligawan." Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud.

Ang halimbawa nito ay ang pagdaragdag sa pagsamba gaya ng pagdaragdag sa wuḍū' ng ikaapat ng paghugas at gaya ng pagdiriwang ng kaarawan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sapagkat hindi nasaad ito buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at mga Kasamahan niya.

S: Ang walā' (pagtangkilik) ay ang pag-ibig sa mga mananampalataya at ang pag-aadya sa kanila.

Nagsabi si Allāh: {Ang mga lalaking mananampalataya at ang mga babaing mananampalataya ay mga katangkilik ng isa't isa sa kanila.} (Qur'ān 9:71)

Ang barā' (pagpapawalang-kaugnayan) ay ang pagkasuklam sa mga tagatangging-sumampalataya at ang pagkalaban sa kanila.

Nagsabi si Allāh: {Nagkaroon nga para sa inyo ng isang magandang huwaran sa kay Abraham at sa mga kasama sa kanya noong nagsabi sila sa mga kababayan nila: "Tunay na kami ay mga walang-kaugnayan sa inyo at sa sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh; tumanggi kami sa inyo at lumantad na sa pagitan namin at ninyo ang poot at ang suklam magpakailanman hanggang sa sumampalataya kayo kay Allāh lamang,"} (Qur'ān 60:4)

S: Hindi tatanggap si Allāh ng iba pa sa Islām.

Nagsabi si Allāh: {Ang sinumang naghahangad ng iba pa sa Islām bilang relihiyon ay hindi ito matatanggap mula sa kanya at siya sa Kabilang-buhay ay kabilang sa mga lugi.} (Qur'ān 3:85)

Ang halimbawa ng pagsasabi ay ang pag-aalipusta kay Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) o sa Sugo Niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).

Ang halimbawa ng paggawa ay ang paghamak sa Qur'ān o pagpapatirapa sa iba pa kay Allāh (napakataas Siya).

Ang halimbawa ng paniniwala ay ang paniniwala na mayroong naging karapat-dapat sa pagsamba na iba pa kay Allāh (napakataas Siya) o na mayroong tagalikha kasama kay Allāh (napakataas Siya).

S:

1. Ang Malaking Pagpapaimbabaw. Ito ay ang pagkukubli ng kawalang-pananampalataya at ang pagpapakita ng pananampalataya.

Nakapagpapalabas ito mula sa Islām. Ito ay kabilang sa Malaking Kawalang-pananampalataya.

Nagsabi si Allāh: {Tunay na ang mga mapagpaimbabaw ay nasa pinakamababang palapag ng Apoy. Hindi ka makatatagpo para sa kanila ng isang mapag-adya,} (Qur'ān 4:145)

2. Ang Maliit na Pagpapaimbabaw.

Halimbawa: ang pagsisinungaling, ang pagsira sa pangako, at ang pagtataksil sa ipinagkatiwala.

Hindi ito nakapagpapalabas mula sa Islām. Ito ay kabilang sa mga pagkakasala at ang nakagagawa nito ay masasalang sa pagdurusa [sa Impiyerno].

Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang tanda ng mapagpaimbabaw ay tatlo. Kapag nagsalita siya, nagsisinungaling siya. Kapag nangako siya, sumisira siya. Kapag pinagkatiwalaan siya, nagtataksil siya." Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim.

S: Siya ay si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).

Nagsabi si Allāh: {Si Muḥammad ay hindi ama ng isa sa mga lalaki ninyo, subalit ang Sugo ni Allāh at ang pangwakas sa mga propeta.} (Qur'ān 33:40) Nagsabi naman ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ako ay ang pangwakas sa mga isinugo; walang propeta matapos ko." Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at ang iba pa sa kanila.

S: Ang himala ay ang bawat ibinigay ni Allāh sa mga propeta niya kabilang sa mga naiiba sa mga karaniwan para sa pagpapatunay sa katapatan nila. Halimbawa:

- ang pagbiyak ng buwan para kay Propeta Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan);

- ang pagbiyak ng dagat para kay Propeta Moises (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at ang paglunod kay Paraon at mga kawal nito.

S: Ang Ṣaḥābīy ay ang sinumang nakipagkita sa Propeta bilang mananampalataya sa kanya at namatay sa Islām.

- Iniibig natin sila at tinutularan natin sila. Sila ay ang pinakamabuti at ang pinakamainam sa mga tao matapos ng mga propeta.

- Ang pinakamainam sa kanila ay ang Apat na Khalīfah ay sina:

Abū Bakr (malugod si Allāh sa kanya),

`Umar (malugod si Allāh sa kanya),

`Uthmān (malugod si Allāh sa kanya),

`Alīy (malugod si Allāh sa kanya).

S: Sila ay ang mga maybahay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).

Nagsabi si Allāh: {Ang Propeta ay higit na karapat-dapat sa mga mananampalataya kaysa sa mga sarili nila. Ang mga maybahay niya ay mga ina nila.} (Qur'ān 33:6)

S: Iniibig natin sila, tinatangkilik natin sila, nasusuklam tayo sa sinumang nasusuklam sa kanila, hindi tayo nagpapakalabis-labis sa kanila. Sila ay ang mga maybahay ng Propeta at ang mga supling niya, ang angkan ni Hāshim, at ang angkan ni Al-Muṭṭalib na mga mananampalataya.

S: Ang kinakailangan sa atin ay ang paggalang sa kanila, ang pagdinig sa kanila, ang pagtalima sa kanila sa hindi pagsuway, ang hindi paghihimagsik sa kanila, at ang pagdalangin at ang pagpayo para sa kanila nang palihim.

S: Ang Paraiso. Nagsabi si Allāh: {Tunay na si Allāh ay magpapapasok sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog.} (Qur'ān 47:12)

S: Ang Impiyerno. Nagsabi si Allāh: {mangilag kayo sa Apoy na ang panggatong nito ay ang mga tao at ang mga bato. Inihanda ito para sa mga tagatangging sumampalataya.} (Qur'ān 2:24)

S: Ang khawf (pangamba) ay ang pangamba kay Allāh at sa parusa Niya.

Ang rajā' (pag-aasam) ay ang pag-aasam sa gantimpala ni Allāh, kapatawaran Niya, at awa Niya.

Ang patunay ay ang sabi ni Allāh: {Yaong mga dinadalanginan nila ay naghahangad tungo sa Panginoon nila ng pampalapit, [na nagtatagisan] kung alin sa kanila ang [magiging] pinakamalapit, nag-aasam ng awa Niya, at nangangamba sa pagdurusa mula sa Kanya. Tunay na ang parusa ng Panginoon mo ay laging pinangingilagan.} (Qur'ān 17:57) Nagsabi pa Siya (napakataas Siya): {Magbalita ka sa mga lingkod Ko na Ako ay ang Mapagpatawad, ang Maawain, at na ang pagdurusang dulot Ko ay ang pagdurusang masakit.} (Qur'ān :49-50)

S: Allāh, Ar-Rabb (ang Panginoon), Ar-Raḥmān (ang Napakamaawain), As-Samī` (ang Madinigin), Al-Baṣīr (ang Nakakikita), Al-`Alīm (ang Maalam), Ar-Razzāq (ang Palatustos), Al-Ḥayy (ang Buhay), Al-`Aḍ̆īm (ang Sukdulan), at iba pa kabilang sa mga pangalang pinakamagaganda at mga katangiang pinakamatataas.

S: Ang pangalang Allāh ay nangangahulugang ang sinasamba ayon sa katapatan – tanging Siya: walang katambal para sa Kanya.

Ang pangalang Ar-Rabb (ang Panginoon) ay ang Tagalikha, ang Tagapagmay-ari, ang Tagapagtustos – tanging Siya: kaluwalhatian sa Kanya.

Ang pangalang As-Samī` (ang Madinigin) ay ang nakasakop ang pandinig Niya sa bawat bagay at nakaririnig sa lahat ng mga tunog sa kabila ng pagkakaiba-iba ng mga ito at pagkauri-uri ng mga ito.

Ang pangalang Al-Baṣīr (ang Nakakikita) ay ang nakatitingin sa bawat bagay at nakakikita sa bawat bagay malaki man o maliit.

Ang pangalang Al-`Alīm (ang Maalam) at ang nakatatalos ang kaalaman Niya sa bawat bagay sa nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap.

Ang pangalang Ar-Raḥmān (ang Napakamaawain) ay ang nakasakop ang awa Niya sa bawat nilikha at buhay kaya ang lahat ng mga tao at mga nilikha ay nasa ilalim ng awa Niya.

Ang pangalang Ar-Razzāq (ang Palatustos) ay ang kinasalalayan ng panustos ng lahat ng mga nilikha kabilang sa tao at jinn at lahat ng mga hayop.

Ang pangalang Al-Ḥayy (ang Buhay) ay ang hindi namamatay samantalang ang lahat ng nilikha ay namamatay.

Ang pangalang Al-`Aḍ̆īm (ang Sukdulan) ay ang nagtataglay ng kaganapan sa kabuuan nito at kasukdulan sa kabuuan nito sa mga pangalan Niya, mga katangian Niya, at mga gawain Niya.

S: Umiibig tayo sa kanila at sumasangguni tayo sa kanila hinggil sa mga usapin at mga kasong legal. Hindi tayo bumabanggit sa kanila malibang sa maganda. Ang sinumang bumanggit sa kanila sa iba pa roon kabilang sa kasagwaan, siya ay nasa hindi tamang landas.

Nagsabi si Allāh: {mag-aangat si Allāh ng mga antas sa mga sumampalataya kabilang sa inyo at mga binigyan ng kaalaman. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Mapagbatid.} (Qur'ān 58:11)

S: Sila ay ang mga mananampalatayang tagapangilag magkasala.

Nagsabi si Allāh: {Pansinin, tunay na ang mga katangkilik ni Allāh ay walang pangamba sa kanila ni sila ay malulungkot. [Sila] ang mga sumampalataya at sila noon ay nangingilag magkasala kay Allāh.} (Qur'ān 10:62-63)

S: Ang pananampalataya ay salita, gawa, at paniniwala.

S: Ang pananampalataya ay nadaragdagan sa pamamagitan ng pagtalima at nababawasan sa pamamagitan ng pagsuway.

Nagsabi si Allāh: {Tanging ang mga mananampalataya ay ang mga kapag binanggit si Allāh ay nasisindak ang mga puso nila at kapag binigkas sa kanila ang mga tanda Niya ay nadaragdagan sila ng pananampalataya at sa Panginoon nila nananalig sila,} (Qur'ān 8:2)

S: Na sumamba ka kay Allāh na para bang ikaw ay nakakikita sa Kanya ngunit kung hindi ka man nakakikita sa Kanya, tunay na Siya ay nakakikita sa iyo.

S: Ayon sa dalawang kundisyon:

1. kapag ito ay naging wagas ukol sa ikalulugod ng mukha ni Allāh (napakataas Siya) at

2. kapag ito ay naging ayon sa Sunnah ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).

S: Ito ay ang pagsalig kay Allāh (napakataas Siya) sa pagtamo ng mga pakinabang at pagtulak sa mga pinsala kalakip ng pagsasagawa ng mga kadahilanan.

Nagsabi si Allāh: {Ang sinumang nananalig kay Allāh, Siya ay kasapatan dito.} (Qur'ān 65:3)

Ang {kasapatan dito} ay nangangahulugang nakasasapat dito.

S: Ang nakabubuti ay ang pag-uutos ng bawat pagtalima kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) at ang nakasasama ay ang pagsaway sa bawat pagsuway kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan).

Nagsabi si Allāh: {Kayo ay pinakamabuting kalipunang pinalabas para sa mga tao. Nag-uutos kayo ng nakabubuti, sumasaway kayo ng nakasasama, at sumasampalataya kayo kay Allāh.} (Qur'ān 3:110)

S: Sila ay ang mga nakabatay sa tulad ng kung sa ano nakabatay ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at ang mga Kasamahan niya (napakataas Siya) sa salita, gawa, at paniniwala.

Tinawag silang mga Alagad ng Sunnah dahil sa pagsunod nila sa Sunnah ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at pag-iwan nila ng paggawa ng bid`ah

at Bukluran dahil sila ay nagbuklod sa katotohanan at hindi nagkawatak-watak dito.